Martes, Marso 20, 2018

JULIE AN A. MABBORANG


PAGSUSURING PAMPANITIKAN









Ang Babae sa Pagdaralita 
ni Joi Barrios


Babae akong sinasaklmal ng kahirapan.
Kahirapan na mistulang 
ahas sa damuhan,
Maliksi ang galaw,
nagbabadya ang nakasangang dila,
makamandag ang kagat.
Pumupulupot ang ulupong,
itong paghihikahos, sa aking katawan,
at tumatakas ang lakas,
Nakatilig ang walang talukap
na mga mata ng sawa,
Nanlilisik,
pagkat batid na walang palya
sa paghatid ng lason
ang pangil ng pagdaralita.
Anong gagawin ng babae
sa kanyang karukhaan?
Tumawag kaya kay Darna?
Lipad, Darna, Lipad?
Kristala, Kristala, kami ay iligtas!
Zsazsa Zaturnah,
Palayain kami Mama!
Huwag,  huwag.
Ang paglaya sa hirap,
ay wala sa bayani ng pantasya.
Nasa ating mga babae ang pakikibaka!
Kung paanong sa gabi at sa araw
ay wala tayong humpay sa paggawa,
Kung paanong magkasabay na lumalaban
at nag-aaruga,
Matibay ang dibdib pagkat mapagkalinga
ang ating pag-ibig,
Sulong at makibaka!
Tagpasin ang ulo ng sawa!
Ang kahirapan ay maiigpawan
Kung ipaglalaban, ang pagbawi,
ang pag-angking muli,
sa yaman ng bayan.
ay ating karapatan.
Sulong,makibaka,lumaban!





PAMAGAT

  • Ang Babae sa Pagdaralita 

MAY-AKDA

  •  Maria Josephine Barrios "Joi Barrios"


BUHAY NG MAY-AKDA

     Mas kilala bilang Joi Barrios sa kanyang mga akda, si Maria Josephine Barrios ay ipinanganak noong Hunyo 26, 1962 sa Lungsod Quezon. Nakamit niya ang kanyang doktorado sa Filipino (Literature) sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1998. Kilala rin si Barrios bilang isang makata, aktibista, tagasulat ng senaryo, artista, translator at guro. Sa kasalukuyan ay isa siyang visiting professorsa Philippine Studies Program ng Osaka University of Foreign Studies at kasapi rin siya ng Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy 






Pagsusuri sa tula ni: Joi Barrios 
"Ang Babae sa Pagdaralita"



URI NG PANITIKAN

TEORYA
  • Tula


     Ang tulang ito ay kabilang sa Teoryang Feminismo na ang layunin ng tulang ito ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. 


TEMA



  • Ang tula ay  tungkol sa kung ano ang kalagayang panlipunan ng isang babae sa Pilipinas.

PERSONA 


  • Ang persona sa tulang ito ay  ang mismong nagsulat ng akda 
SUKAT at TUGMA



  • Malayang Taludturan wala itong sukat, tugma.

KARIKTAN

  • Paghihikahos-Paghihirap
  • Maiigpawan - Malunasan/Makaahon sa Kahirapan
  • Pakikibaka-Pakikipagsapalaran/Pakikipaglaban sa isang sitwasyon, mga paniniwala o sa mga tao
  • Pagdaralita-Kahirapan


TONO

  • Nakikiusap na itigil ang pagturing sa mga kababaihan na isang mababang uri ng nilalang at ipakita ng bawat kababaihan na sila ay kayang lumaban.


MENSAHE



  • Ang babae ay nararapat na alagaan,mahalin at tratuhin ng may halaga at paggalang at pantay sa sinuman. Malaking bahagi ang ginagampanan ng babae sa buhay, hindi lamang siya pangalawa sa pagsasaalang-alang sa mga bagay, siya ay kasama,katuwang at kasalo sa lahat ng bagay.


TAYUTAY


Pagsasatao



  • Babae akong sinasaklmal ng kahirapan.
  • Ang pangil ng pagdaralita.



Pagtutulad
  • Kahirapan na mistulang ahas sa damuhan. 

Pagmamalabis
  • Kung paanong sa gabi at sa araw ay wala tayong humpay sa paggawa.





Mapanglaw ang mga Ilaw  sa Calabarzon
ni Pedro L. Ricarte

May bakas pa sa tubig ang mga pinitak
Ang mga huling silahis ng nakalubog ng araw.
Hindi na sana siya nag-araro pa,
Hindi rin lamang tiyak na matatamnan
Ang lupang itong ipinagbili na ng may-ari
Sa isang malaking korporasyon ng mga dayuhan.
Ang bakita ko'y bilyon ang ininayad,
At may makakapart daw siyang isang libo.

Nasisiyahan na siya. Siya nama'y kasama lamang.
Sobra pa marahil sa kanya ang tataggaping pera.
Balo na siya, walang anak, walang bisyo.
Sang-ilan pa ba ang kanyan buhay?
Pero dito na siya tumanda sa lupang itong
Sinaka pa ng kanyang ama at magulang niyon.

Tumanaw siya sa gawing silangan;
Kaylawak ng lupang itong pinagyayaman
Ng marami pang katulad niya
Ngunit ipinagbibili na ng may-ari.
May mga bukid na nasimulan ng tambakan,
Pero umaagos sa mga padaluyan
Ang patubig ng gobyerno.

Wala siyang namumuwangan sa kabuhayanng-bansa;
Hindi niya kayang gagapin kung bakit at paano
Nadarama lamang niya ang malaking panghihinayang,
Pangungulila sa pagkawala ng mga berdeng lupain
Na kaygandang pagmasdan, kay timyas bungkalin!


PAMAGAT

  • Mapanglaw ang mga Ilaw  sa Calabarzon 


MAY-AKDA
  • Pedro L. Ricarte


BUHAY NG MAY-AKDA

     Si Pedro L Ricarte ay isang kwentista, mananaysay, mandudula, manunuri at makata.Kasalukuyan isang freelance writer, siya ay nabilang sa patnugutan ng Liwayway sa loob ngsampung taon. ang kanyang kaalaman sa pagsusulat ay kanyang naibahagi sa mga mag-aaral ng LCBA Graduate School sa Calamba, De la SalleUniversity-Manila, Don Bosco at ibangUniversity.


Si Pedro Ricarte ang nagsabi kay Alejandro Abadilla na siya ang “Ama ng MakabagongTulang Tagalog”


. Si Ricarte ay isa sa mga mayroong pinakamatatalas na pag-iisip kaya masasabidin na siya ay isang kritiko ng ibang mga Pilipinong manunula.Naging kilala si Pedro Ricarte noong 1950 -1960’s.



Ang ilan sa kanyang mga naisulat ay:

  • Boy Nicolas
  • Siyam na Langit (1962)
  • Samahang Siyete
  • Aawitan kita
  • Ala-Suwerte (1959)
  • Hindi Natutulog ang Diyos (1960-1961)
  • Lagablab sa Silangan (1961)at iba pang mga maikling istorya at nobela.




Pagsusuri sa tula ni: Pedro L. Ricarte
"Mapanglaw ang mga Ilaw  sa Calabarzon"





URI NG PANITIKAN


  •  Tula


TEORYA


  •    Ang tulang ito ay Teoryang Imahismo na nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.



TEMA


  •     Panghihinayang sa dating lupang sakahan na ngayon ay wala na at ginawan ng proyekto ng gobyerno.



PERSONA 



  •    Ang persona sa tulang ito ay ang tagapagmasid ng mga nangyayari sa kanyang kapaligiran at nasaksihan niya ang mga nagaganap sa kapaligiran ng calabarzon.



SUKAT




  •     Malayang Taludturan dahil walang sinusunod na sukat at hindi sinasa alang alang ang tugma sa bawat taludtod.

TUGMA 


  • Ang tulang Mapanglawa ang mga ilaw sa calabarzon ay walang tugma.



TONO


  •     Kalungkutan sa pagkawala unti-unti ng mga lupang sakahan.




MENSAHE


  •     Dahil sa dami na ng mga proyektong pang gobyerno nawawala na ng trabaho ang mga magsasaka nawawala na ang kanilang lupang sakahan.




Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang
ni Frank Cimatu

Sandaang
 Hakbang 
Papuntang 
Malakanyang.
Dala'ng
Nakabulang
Kartolinang
Nakapinta'ng
"Pamahalaang
 Suwapang,
Kinawawa'ng
Bayang 
Walang
Kamuwang-
Muwang!"
Nang
 Biglang
 Naalalang
Naiwang 
Nakasalang
Ang 
Sinigang
Sandaang 
Hakbang 
Papuntang 
Pahalang
Habang 
Nakikipilang
Makausisang'ng 
Manang
Nang
Bang!
Bang!
Bang!
Nakitang 
Parang
Umilandang
Ang 
Ilang
Kasamang
Hinahambalang
Ang 
Isang 
Awayang
Iisa'ng
Nakakalamang.
Ilang
Rumaragasang
Kapulisang
Sindarang
Ang 
Pulutang 
Maanghang,
Pinagbabatutan'ng
Magsasakang 
Nakadala'ng
Sundang.
Nagbubulagang
Peryodistang
Walang 
Kilnikilingang
Kumikinang
Hanggang 
Walang
Itinitimbang.
Ang 
Kasamang 
Kabataang
Pinuntang'ng
Sasakyang
Nagmamangwang,
Nagsisigawang:
"Tang
Inang'...
Pimompiyang
Habang 
Ginigisa'ng
Paratang.
Nanghihinayang 
Ang
Makatang
Walang 
Natadyakang
Makapangyarihang
Sakang.
Walang 
Kaganang-
Ganang
Nakiangklang
Papuntang 
Alabang
Hanggang 
Maabutang
Inuwiang 
Sinigang
Nagmistulang 
Kamanyang



PAMAGAT


  • "Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang"



MAY-AKDA


  • Frank Cimatu


URI NG PANITIKAN
  • Tula

BUHAY NG MAY-AKDA


  •   Bilinggwal na makata at mamahayag sa Philippine daily Philippine Daily Inquirer mula noong  1993. Ang kanyang mga tula ay nalimbag sa iba't ibang mga magasin  at nanalo ng mga parangal.



Pagsusuri sa tula ni: Frank Cimatu 
"Sandaang Hakbang Patungong Malakanyang"


TEORYA


  •      Ang tulang ito ay kabilang sa Teoryang Historikal na may kaugnay sa pamahalaan noon ng bansang Pilipinas sa panahon ni dating Panguong Marcos  at  Teoryang Imahismo dahil sa larawang-diwa o imahe na binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa maari din Teoryang Realismo dahil nagpapakita ito ng kaganapn na nangyari mismo sa may akda kaya niya ito nasulat na ang pamahalaan ay malupit. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay subalit nilapatan ng may-akda ng kasiningan upang mas maging epektibo ang kanyang isinulat.


TEMA


  • Kabulukan ng pamahalaan at ang walang kalaban-labang mga taong pinamumunuan nito.


PERSONA


  • Magsasakang rayilista na walang kalaban-laban sa pamahalaan.


SUKAT at SAKNON

  •    Malayang Taludturan ang tulang Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang wala itong sukat at saknong.



TUGMA

  •    Ang tulang Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang ay tulang may tugmang di-ganap na nasa ikalwang-lipon sapagkat ang huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod ay nagtatapos sa "ng".

KARIKTAN



  • Hinahambalang-Hinaharang 
  • Walang Itinitimbang-Walang kinikilingan




TONO
  •     Sa tulang ito pinakikita kung anong klase ng gobyerno o lipunanang mayroon at ito ay puno ng rally at kaguluhan.




MENSAHE


  • Walang kalaban-labang mga raliyista dahil ang kalaban nila ay ang pamahalaan.



TAYUTAY

Pagpapalit-tawag


  • Walang natadyakang makapangyarihang sakang.



Pagtutulad

  • Inuwiang sinigang nagmistulang kamanyang
















SANGGUNIAN


  • https://www.scribd.com/doc/123429296/Talambuhay-ni-Pedro-Ricar



  • http://tl.mgamaiiklingkwentongisinulatngisangpilipinoawtor.wikia.com/wiki/Talambuhay_ng_Awtor_na_si_Maria_Josephine_%22Joi%22_Barrios